Sunday, September 7, 2008

Isang Awit

I

Di ko naman hinanap

Di ko naman ginusto

Ngunit sadyang ang tadhana

Ay lubhang mapagbiro



II

Nagkita, nawalay

Nagkita na muli

Sa una’y walang tama

Ng yumao’y tumindi



KORO:

Di ko na kaya

Sa yo ay mawalay

Bawat pintig

Bawat hininga

Sa yo ay aking alay



III

Mga taon na ang nagdaan

Ang sidhi’y di nagbago

Sulyap mo’y dulot pa rin

Tibok nitong aking puso



IV.

Bawat hibla ng hininga

Bawat galaw ng aking laman

Habang ako ay nabubuhay

Ito’y sayo lamang

No comments: